MGA BENEPISYO (EUR) | Plano 1 | Plano 2 | Plano 3 |
---|---|---|---|
I. MGA GASTUSING MEDIKAL AT TULONG KAPAG MAY PANGYAYARING KAILANGAN NG AGARANG TULONG: Saklaw ang gastos para sa medikal na gamutan na dahil sa karamdaman o aksidente para sa Inpatient o pasyenteng kailangang maglagi sa ospital o Outpatient o pasyenteng di na kakailanganing magpa-confine sa ospital. | € 30,000 | € 60,000 | € 100,000 |
Gastusing Medikal: Bayad sa pagpapa-ospital, operasyon, ambulansya at mga pag-eksamin na hanggang 240 EUR kada raw para sa kwarto sa ospital at iba pa. | Hangganan sa limitasyon | Hangganan sa limitasyon | Hangganan sa limitasyon |
Follow-up na Gamutan: Gastusing medikal na natamo matapos ma-discharge mula sa ospital sa loob ng 90 araw matapos ang pagbabalik sa bansang pinagmulan. | - | € 3,000 | € 5,000 |
Agarang Paglikas: Agarang paglikas patungo sa pinakamalapit na pasilidad na may kakayahang mag-abot ng sapat na medikal na pangangalaga. | Hangganan sa limitasyon | Hangganan sa limitasyon | Hangganan sa limitasyon |
Pagpapauwi: Pagpapauwi sa bansang pinagmulan kung kinakailangan ayon sa kompanya at doktor. | Hangganan sa limitasyon | Hangganan sa limitasyon | Hangganan sa limitasyon |
Paglalaan ng Pera Para sa Pagpapa-ospital: 40 EUR para sa isang buong araw na pagka-ospital ng higit sa 24 oras ng taong Insured na resulta ng saklaw na karamdaman. | - | - | € 600 |
Karagdagang Gastos para sa Paglalakbay at Tirahan: Karagdagang gastos ng taong insured sa pagbabalik sa bansang pinagmulan at karagdagang gastos para sa tirahang nakuha ng taong insured o agarang pamilya o kasama sa paglalakbay kapag ang gastos ay mula sa pagpapaospital dahil sa sakop na kapansanan na nangangailangan ng medikal na pagpapagamot ng taong insured. | - | € 500 | € 800 |
Pagbisita ng Miyembro ng Pamilya: Gastusin sa paglalakbay ng isang miyembro ng agarang pamilya para samahan ang taong insured na naka-confine sa ospital ng higit sa 5 araw o namatay sa ibang bansa. | - | € 500 | € 800 |
Pagbalik ng mga Bata: Makatwirang karagdagang tirahan at gastos sa paglalakbay para sa mga insured na bata na hindi na kakailanganin ng taga-bantay (may edad 16 pababa) sa pagbalik sa bansang pinagmulan. | - | € 500 | € 800 |
Mga Labi ng Yumao: Kabayaran sa transportasyon para sa pagpapauwi ng mga labi ng yumao sa bansang pinagmulan. | € 1,800 | € 1,800 | € 1,800 |
II. PERSONAL NA AKSIDENTE: Pagkamatay o permanenteng kapansanan dahil sa aksidente kasama ang pagkawala ng isa o higit pang paa o pagkabulag ng isa o dalawang mata. Ang limitasyon ng saklaw para sa mga batang may edad 18 pababa ay 1,000 EUR. | - | € 1,000 | € 3,000 |
III. SAKLAW NG MGA INSIDENTE. Sinasaklaw ang mga insidente habang nasa paglalakbay. | - | - | - |
Epektong Personal at Epekto sa mga Bagahe: Pagkawala o pagkasira dahil sa aksidente, pagnanakaw, panloloob o maling pag-asikaso ng mga bagahe o mga personal na gamit ng taong insured. Ang limitasyon ay 200 EUR kada gamit at 300 EUR kada pares o grupo. Ang pagkawala ng laptop ay may limitasyon na 300 EUR. | - | € 300 | € 700 |
Pagkaantala ng Bagahe: Biglaang pagbili ng mga importanteng bagay gaya ng mga gamit panligo at mga damit na hindi hihigit sa 53 EUR kada damit kapag nasuri na naantala ang pagdating ng mga bagahe ng anim na oras mura sa oras ng pagdating sa napiling bansa sa loob ng saklaw na lugar. | - | € 100 | € 300 |
Pagkawala ng mga Dokumento sa Paglalakbay: Mga gastusin para sa pagpapapalit ng pasaporte, tiket sa eroplano, gastusin sa paglalakbay at tirahan na kung ang mga ito ay dahil sa pagnanakaw, panloloob at aksidenteng pagkawala. Ang limitasyon kada araw para sa gastusin sa paglalakbay at tirahan ay 120 EUR para sa Plano 2 at 160 EUR para sa Plano 3. | - | € 300 | € 500 |
Personal na Pera: Pagkawala ng pera, tseke at travelers check dahil sa pagnanakaw o panloloob. | - | € 100 | € 200 |
Perang Panggastos Dahil sa Pagkaantala ng Paglalakbay: Kapag ang taong insured ay hindi na kakailanganing magbayad ng gastos sa paglalakbay sa araw ng pagkaantala, ang taong insured ay mababayaran ng danyos na nagkakahalagang 20 EUR kada buong 6 na oras ng pagkaantala. | - | - | € 100 |
Singil sa Pagbabawas o Pag-cancel ng Paglalakbay: Pagsasauli sa mga binayad para sa mga di na mababawing deposito sa mga pag-aayos ng paglalakbay o pagtaas ng singil sa paglalakbay ng dahil sa pagkamatay, seryosong pinsala o karamdaman ng taong insured, miyembro ng agarang pamilya, malapit na business partner o kasama sa paglalakbay ng taong insured; pagpapatawag sa saksi, serbisyong pang-hukuman; natural na sakuna sa planong destinasyon o kumpletong pagkawasak ng pangunahing tirahan ng taong insured. | - | - | € 2,000 |
Personal na Pananagutan: Bayad-pinsala laban sa legal na pananagutan sa ikatlong partido na resulta ng aksidenteng pinsala o pagkawala o pinsala sa ari-arian habang nasa panahon ng insurance. (Ang benipisyong ito ay hindi nalalapat sa paggamit o pag-upa ng mga de-motor na sasakyan). | - | € 1,000 | € 3,000 |
Saklaw sa Sobrang Bayad Para sa Upahang Sasakyan: Pagsasauli ng nagugol ng taong insured para sa pananagutan ng pagbabayad dahil sa aksidenteng pagkawala o pagkasira ng upahang sasakyan. | - | - | € 250 |
Kontakin ang Luma para sa iba pang impormasyon
Magtanong sa chat
Mag-chat sa amin sa Facebook Messenger
Mag-chat sa amin sa Line
Austria, Belgium, Czech Republic, Denmark, Estonia, Finland, France, Germany, Greece, Hungary, Iceland, Italy, Latvia, Liechtenstein, Lithuania, Luxembourg, Malta, Netherlands, Norway, Poland, Portugal, Slovakia, Slovenia, Spain, Sweden, and Switzerland
Lahat ng bansa na bahagi ng Schengen area na nakalista sa taas at mga bansa sa Europa na hindi parte ng Schengen area ngunit tumatanggap ng Schengen visa:
Albania, Antigua and Barbuda, Belarus, Bosnia and Herzegovina, Bulgaria, Colombia, Croatia, Northern Cyprus, Georgia, Gibraltar, Kosovo, Mexico, Montenegro, North Macedonia, Romania, Sao Tome and Principe, Serbia, Turkey.
Tandaan na ito ay mga bansang tumatanggap ng Schengen visa. Para sa insurance coverage, maari lamang na tingnan ang mga detalye sa mga Tuntunin at Kundisyon ng iyong napiling polisiya.
Depende sa nasyonalidad ng manlalakbay, maaring kailanganin ang Schengen Visa. Tingnan ang opisyal na listahan mula sa Komisyon ng mga Tiga-Europa para suriin ang iyong karapatan.
May iba’t ibang uri ng Schengen Visa na pwede mong apply-an, kaya pumili ng uri ng visa na angkop sa iyong sitwasyon.
1. Uniform Schengen Visa (USV)
– Pangkat A: Ang Visa ng Pagbiyahe patungong Paliparan
– Pangat B: Ang Visa ng Pagbiyahe
– Pangkat C: Ang Panandaliang Visa
i. Visa ng isang beses na pagpasok
ii. Visa ng dalawang beses na pagpasok
iii. Visa ng maramihang beses ng pagpasok (1 Taon/ 3 Taon/ 5 Taon)
2. Limited Territorial Validity Visa (LTV)
3. The National Visa (Pangkat D)
Para sa mga turista, ang USV ang pinaka-karaniwang uri ng Schengen Visa dahil sinasakop nito ang Pangkat A, B at C. Tandaan na ang Schecgen Visa ay mabisa hanggang 90 araw sa loob ng 180 araw na panahon.
Maari kang mag-apply ng Schengen Visa sa embahada o sa konsulado ng iyong bansang patutunguhan o sa lugar kung saan makakapag-apply ng visa.
Kung nais mong magtungo sa higit sa isang bansa na sakop ng Schengen, maari kang magpasa ng aplikasyon sa embahada o konsulado ng unang bansang iyong patutunguhan.
Kung nais mong magtungo sa higit sa isang bansa na sakop ng Schengen, maaring magpasa ng aplikasyon sa embahada o konsulado ng bansa kung saan ka magtatagal ng pinakamaraming araw.
Tandaan na ang mga dokumentong nakalista ay pamantayan ng mga kailangang dokumento. Tiyaking maigi ang mga kailangan para sa uri ng iyong visa sapagkat nagkakaiba ang mga espesipikasyon ng iba’t-ibang uri.
Tandaan na ang bayad sa visa ay di na muling maibabalik kapag hindi naaprubahan ang iyong visa.
Aabot ng humigit-kumulang dalawang linggo bago mai-proseso ang Schengen Visa. Gayunpaman, ang pagpo-proseso nito ay aabutin ng hanggang 30 araw o higit pa sa ibang mga kaso depende sa komplikasyon ng iyong aplikasyon. Ang pagkakaantala ay kadalasang nangyayari kapag kapanahunan ng mataas na pangangailangan para sa paglalakbay.
Ang pinakamaagang paga-apply ng visa ay anim na buwan bago ang petsa ng iyong pag-alis at ang pinakamatagal naman ay 15 araw bago ang iyong pag-alis.
Inirerekomenda na magpasa ng iyong aplikasyon para sa visa tatlong linggo bago ang iyong paglalakbay. Gayunpaman, dapat ding isaalang-alang ang maagang pagpapasa ng aplikasyon sa kapanahunan ng mataas na pangangailangan sa paglalakbay.
Karamihan sa mga polisiya ng travel insurance ay sakop ang pagpapagamot sa Covid-19, pero ang iba ay hindi. Mahigpit na minumungkahi na maghanap ng polisiya ng travel insurance na sakop ang pagpapagamot sa Covid-19 sapagkat maaaring matanggihan ng embahada o konsulado kapag hindi.
“Luma SCHENGEN Pass” ang komersyal na pangalan ng polisiya ng travel insurance na sineguro ng Bao Bao Long Insurance Corporation, na ipinapamahagi sa buong mundo ng Luma International at sineserbisyuhan ng Luma Care Co. Ltd.
France - Luma International:
ORIAS Register No. 17 007 455
Paris Trade and Companies Register No. 832 987 333
Thailand - Luma Care Co., Ltd.:
Non-life insurance broker licence in Thailand: ว00008/2555
Life insurance broker licence in Thailand: ช00012/2564
Copyright © 2023 lumahealth.com. All Rights Reserved.